ISULAN, Sultan Kudarat – Ilang linggo bago ang pagsisimula ng tag-ulan ay tinututukan na ng Sultan Kudarat Police Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) ang ilang bahagi ng lalawigan na karaniwan nang binabaha.

Sa panayam nitong Biyernes kay Henry J. Albano, ng PDRRMC, sinabi niyang nagtalaga na ang kanilang tanggapan ng mga rescue group, kasabay ng pagkakabit ng mga warning sign sa mga lugar na lantad sa panganib, gaya ng mga bayan ng Bagumbayan at Senator Ninoy Aquino.

Tinukoy din ni Albano na bahain ang mga bayan ng Lambayong, Esperanza at Isulan. (Leo P. Diaz)
Probinsya

13-anyos na babae na hinihinalang ginahasa, natagpuang patay sa altar ng chapel