Nagpahayag ang National Capital Region Police Office (NCRPO) ng pagkadismaya sa training program na kasalukuyang iniaalok sa police recruits.

Ayon kay NCRPO Chief Director Oscar Albayalde, ang pagkakasangkot ng maraming bagitong pulis sa mga ilegal na aktibidad ay katibayan na mayroong mali sa pamamaraan ng Regional Training Services (RTS) sa pagsasanay ng mga incoming Police Officer 1 (PO1).

“After their training on RTS, they still lack the training and the knowledge on the policies of the PNP. I don’t know why,” sabi ni Albayalde.

Ang RTS ay nasa ilalim ng pamamahala ng Philippine Public Safety College na siya ring namamahala sa Philippine National Police Academy (PNPA).

National

Matapos rebelasyon ni Garma: Ex-Pres. Duterte, dapat nang kasuhan – Rep. Castro

Matatandaan na isinusulong noon pa ng mga nakaraang PNP chief na sila ang magsanay ng kanilang sariling recruit, at umabot pa ito sa paghiling na amyendahan ang mga batas na may kinalaman sa PNP.

Sinabi ni Albayalde na nitong mga nakaraang taon, ang PNP ang tumatanggap ng mga kritisismo sa mga usapin hinggil sa mga corrupt at scalawag na pulis na nasasangkot sa iba’t ibang ilegal na gawain.

Nabunyag sa mga datos ng pulisya na karamihan sa mga nasasangkot sa illegal activities ay bagitong pulis.

(Aaron Recuenco)