Kinumpleto ng Makati at Paranaque ang Division I cast para sa Qualification Round sa 16-and-under ng Metro Basketball Tournament noong Huwebes makaraang magwagi kontra sa kani -kanilang katunggali sa Hagonoy Gym sa Taguig City.

Winalis ng Skyscrapers sa pangunguna ni Johnred Luise Luog na nagtala ng 29 puntos ang South Division pagkatapos ungusan ang Taguig, 95-92 habang anim na manlalaro naman ng Green Berrets ang nagtala ng double figures para mapataob ang Pasay 92-31 sa ginaganap na Metro Manila Sports Fest sa pakikiisa ng Metro Manila Development Authority (MMDA) at Metro Manila Council.

Nanguna ang Makati at Paranaque sa South Division sa pagtatapos na may 5-0 at 4-1 marka habang namuno naman sa North Division ang Marikina (5-0) at Valenzuela (3-2) .

Tumapos namang top 2 sa Central Division ang Manila (5-0) at Mandaluyong (4-1).

Pacman, balik-bakbakan sa Abril para sa exhibition match!

Nagsimula ang Classification Round ng torneo na pinamamahalaan ni dating PBA coach at player Pido Jarencio bilang Commissioner at Bonnie Tan bilang Tournament Director noong Abril 28.