Matapos maghari sa nakaraang Aspirants Cup, isang matinding kampanya ang nakatakdang susuungin ng Cignal HD sa darating na 2017 PBA D-League Foundation Cup, kung saan 10 pang koponan ang kanilang makakatunggali.

Umaasa si Hawkeyes coach Boyet Fernandez na magagawa niyang muli ang kanyang mga naunang tagumpay na naitala sa liga na napagwagian niya ang magkakasunod na titulo noong hawak pa niya ang dating D-League squad ng NLEX.

Ngunit hindi naman nawawala sa isip ng Cignal mentor ang katotohanang tiyak na mas magiging mahirap para kanyang koponan ang manalo nang dalawang sunod dahil siguradong paghahandaan sila nang husto ng iba pang mga koponang kalahok.

Nangunguna na ang nakaraang Aspirants Cup losing finalist Racal na siguradong nakhanda na sa kanilang pagbawing gagawin sa natamong kabigun sa naklipas na best-of-three Finals.

Wrestler-actor Dwayne Johnson, may pasabog sa fans; balik wrestling ring?

Hindi rin pahuhuli ang iba pang nagbabalik na koponang Cafe France, Tanduay, AMA Online Education, Batangas, at Wangs Basketball.

Inaasahan ding magpapakitang-gilas ng mga baguhang koponang Flying V, Marinerong Pilipino, Zark’s Burger at Gamboa Sports.

Batay sa format ng torneo na nakatakdang magsimula sa susunod na Huwebes, anim na koponan ang uusad sa playoffs pagkaraan ng single-round eliminations. Ang top two teams ay awtomatikong papasok ng semifinals, habang ang susunod na apat ay may maghaharap sa quarterfinals kung saan ang No.3 at 4 teams ay my twice-to-beat advantage.

Ang semifinals at Finals ay paglalabanan naman sa isang best-of-three series. (Marivic Awitan)