Aabot sa 568 porsiyento ang siksikan ng mga kulungan sa bansa.

Ayon kay Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Spokesman Senior Insp. Xavier Solda, ang kulungan sa Biñan, Laguna ang may pinakamaraming preso.

Sa kasalukuyan, aabot sa 138,000 bilanggo ang nakapiit sa 466 na kulungan sa bansa, gayung nasa 20,500 lamang ang capacity ng mga ito.

Nangangahulugan ito na ang espasyo para sa isang tao ay inookupahan ng anim na preso.

National

3 lugar sa PH, makararanas ng 'dangerous' heat index sa Miyerkules

Gayunman, sinabi ni Solda na inaaksiyunan na ng gobyerno ang problema sa mga siksikang bilangguan sa bansa.

Ayon kay Solda, aabot sa P1.7 bilyon ang pondong inilaan ng pamahalaan ngayong taon para sa pagpapatayo ng mga karagdagang kulungan.

Dagdag pa niya, pinaigting ng BJMP ang paralegal team nito para mapabilis ang pagpoproseso sa mga kaso ng mga bilanggo. (Beth Camia)