MAINE AT ALDEN SA BUTUAN copy

SPECIAL request ng mga taga-Butuan City para sa kanilang Balangay Festival sina Alden Richards at Maine Mendoza ng Destined To Be Yours, at buong lugod silang pinagbigyan ng Kapuso Network.

Hindi muna nag-taping ang mga bida ng teleserye dahil maaga pa nitong nakaraang Biyernes, dumating na sila sa Butuan City Airport at mainit na tinanggap ng pamunuan ng Butuan Fiesta at ng AlDub Nation fans. 

First time pumunta nina Alden at Maine sa Butuan.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

Kasama rin nina Alden at Maine ang apat na members ng That’s My Bae boy group na sina Jon Timmons, Tommy Penaflor, Miggy Tolentino at Joel Palencia at ang ilan sa production staff ng kanilang teleserye.

Ginanap ang show sa Libertad Sports Complex sa Butuan City. Batay sa ipinakitang video at sa tilian ng fans na nanood, dinayo ng libu-libo katao ang show nina Alden at Maine. Ayon sa GMA Regional Director na si Oliver Victor Amoroso, ang report ng local government doon, umabot sa 30,000 ang crowd na dumalo sa event. Kaya may mga comment sa Instagram post na dumayo pa sa Butuan ang fans mula sa Cagayan de Oro, Davao, Cebu, Mandawe at iba pang lugar na malapit sa Butuan.

Labis-labis ang tuwa ng fans sa mga kulitan nina Alden at Maine sa show, sa performances nila, at game ding naki-selfie sa kanila. Bonus pa ang trailer ng coming episodes ng Destined To Be Yours na final week na simula bukas.

Dinig sa video ang tilian ng mga nanood lalo na doon sa kissing scene ng dalawa, at iyong pag-propose na ng kasal ni Benjie (Alden) kay Sinag (Maine).

Pero gayong magtatapos na nga, may hadlang pa rin sa pag-iibigan ng dalawa dahil tutol ang ama ni Sinag na si Teddy (Gardo Versoza). Hindi raw niya matatanggap ang isang Rosales sa kanyang pamilya dahil ang angkang ito ang sumira sa buhay nila. 

Lalo namang hindi tatanggapin ni Lolo Vicente (Tommy Abuel) na mapabilang sa mayaman niyang angkan ang mahirap na pamilya ni Sinag. Pero desidido na sina Benjie at Sinag na ipaglaban ang kanilang pag-ibig. Magkaroon kaya ito ng katuparan? Makakalaban ba nila ang tadhana, o ang tadhana na rin ang gagawa ng paraan para magtagumpay ang pag-iibigan nila?

Ang Destined To Be Yours ay napapanood gabi-gabi pagkatapos ng Mulawin vs Ravena na pilot telecast na rin bukas, pagkatapos ng 24 Oras. (Nora Calderon)