GONG YOO AT KUYA KIM copy copy

HINDI na kami masyadong nakakapanood ng koreananovela pagkatapos ng Jewel in the Palace at Full House na ipinalabas noon sa GMA-7, pero nang mapanood namin ang pelikulang Train To Busan ay nagustuhan namin ang bidang lalaki na si Gong Yoo.

Kaya sakto na naaabutan namin ang TV series niyang Goblin na ipinalalabas sa ABS-CBN.

Napakarami palang fans ni Gong Yoo simula sa mga bagets hanggang may edad, ito siguro ang dahilan kaya siya inimbitahan sa programang inaabangan din ng mga bata, ang Matanglawin ni Kuya Kim Atienza.

Guinness World Records, kinumpirma pagpanaw ng pinakamatandang lalaki sa buong mundo

Yes, Bossing DMB, mapapanood si Gong Yoo ng mga tagasubaybay niya sa Matanglawin ngayong Linggo, simula 10 AM sa ABS-CBN HD at DZMM TeleRadyo sa Martes ng 2 PM. Mapapanood din ito online sa iwantv.com.ph o skyondemand.com.ph. Para sa updates, sundan ang @MatanglawinTV sa Facebook at Twitter.

Nagiging running joke na ni Kuya Kim na kamukha raw niya si Gong Yoo, kaya alamin kung magkamukha ba talaga sila at kung ano ang nangyari sa pagkikita ng Trivia King at ng bida ng Goblin.

Panoorin din ang pagsabak ng Gong Yoo-fan na si Anne Curtis sa Matang-Goblin challenge.

Ipapasyal din ni Kuya Kim ang mga manonood sa kanyang lihim na destinasyon na makikita ang mga bakas ng kamay ni Jackie Chan at isang estatuwa ng baboy na gawa sa tanso bilang paggunita sa isang cartoon character. (REGGEE BONOAN)