BIANCA AT MIGUEL copy

MARAMING okasyon sa GMA Network na laging nakikitang magkasama sina Miguel Tanfelix at Bianca Umali. Inseparable sila, kaya laging natatanong kung “sila na” ba? 

Friends lang sila talaga, sabi ng tween love team na aminadong same wave length, Miguel is 18 and Bianca is 17. Kaya nang sabay silang dumating sa grand launch ng Mulawin vs Ravena (MVR) sa Hive Hotel last Monday evening, muli silang inusisa ng press.

“Naging close lang po talaga kami ni Miguel dahil since pumasok po ako sa GMA, lahat ng projects kong ginawa kami ang magkasama, kami ang magka-love team, hanggang sa last na ginawa naming soap, ang Wish I May, kasabay po nito ay mayroon kami noong Ismol Family at ngayon po, magtatapos na ang comedy musical show namin with Ate Regine (Velasquez-Alcasid) na Full House Tonight.

Human-Interest

Perwisyo! Netizen gumanti sa kapitbahay na nagparada ng kotse sa harap ng bahay niya

“At ngayon, kami pa rin ni Miguel ang magkatambal dito sa Mulawin vs Ravena, ang fulfilment ng dream kong makasama sa isang telefantasya at malaman ang feeling kung paano lumipad.

“Ako po si Lawiswis at ang saya ng feeling ko nang mag-shoot na ako na lumilipad, mixed emotions ako. Pero noon hangang-hanga ako kay Alwina na ginampanan noon ni Ms. Angel Locsin at ngayon po si Ate Heart (Evangelista) ang gumaganap.”

“Kami po naman ni Bianca, sa lahat ng mga ginagawa namin, nagtutulungan kami,” sabi naman ni Miguel. “Tulad po rito sa MVR, dahil nakagawa na ako noong bata pa ako bilang si Pagaspas sa Mulawin, at muli akong lumipad nang magkaroon ako ng guest role sa Encantadia, alam ko na kung paano lumipad at iyon ang itinuturo ko kay Bianca, kung paano i-hold o buhatin ang katawan niya kapag lumilipad siya.

“Kailangan din po naming maging physically fit lagi dahil medyo mabigat iyong mga pakpak na gamit namin, medyo mainit din ang costume namin, pero nasasanay na rin po kami, kahit ang paggamit ng contact lenses dahil nga mga ibon kami.”

Sa ngayon, out of the question pa rin ang love life sa dalawa. Pareho silang career at studies ang priority. Hindi pa bakasyon sa Entreprenuership classes si Miguel, na second year college ngayon, sa La Salle Dasmariñas, Cavite. Si Bianca naman ay incoming Grade 11 na sa June, home study, at gustong ituloy ang college niya bagamat namimili pa ng kukuning course, culinary arts, fine arts, business administration or interior design.

Hindi pa puwedeng ligawan si Bianca until she’s 18 , at si Miguel pa lang talaga ang ka-close niyang guy. 

Napag-uusapan na rin daw nila ng lola niya ang kanyang debut next year. Focused muna ngayon si Bianca bilang si Lawiswis sa Mulawin vs Ravena na mapapanood na simula sa Lunes, Mayo 22. (NORA CALDERON)