VICTORIA, Tarlac - Apat na tao ang duguang isinugod sa Jecsons Medical Center matapos na masalpok ng isang Honda car ang sinasakyan nilang motorsiklo sa Victoria-Tarlac Road sa Barangay Baculong, Victoria, Tarlac, kahapon ng umaga.

Nagtamo ng mga sugat sa iba't ibang parte ng katawan sina Ailyn Balot, 33, driver ng motorsiklo Kawasaki motorcycle; Carmen Pascua, 22; May Taganas, 32; at Aiza Remerata, 26, may asawa, pawang factory worker ng Sun Yorkos Phils, Inc. at taga-Bgy. Canarem, Victoria, Tarlac.

Sa ulat ni PO3 Sonny Villacentino, bandang 6:55 ng umaga nang mag-overtake sa motorsiklo at masagi ito ng kotse (LGM-808) na minamaneho ni Anthony Malaran, 38, binata, ng Bgy. San Fernando sa Victoria. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog