seaba copy

MUNTIK nang tumapos ng triple-double si Rence Padrigao sa naiskor na 13 puntos, walong assist at walong steal para sandigan ang Batang Gilas sa dominanteng ,113-46, panalo kontra Thailand kahapon upang maitakda ang gold medal match laban sa Malaysia sa 2017 SEABA Under-16 Championships sa Araneta Coliseum.

Pinangunahan ni RR Calimag ang arangkada ng Batang Gilas matapos iposte ang 20 puntos.

Ngunit, ang higit na nagpasaya sa kanilang coach na si Mike Oliver ang ginawang pagdepensa ng Batang Gilas sa kanilang katunggali na nilimitahan nila sa 27 percent shooting.

Human-Interest

75-anyos marathon runner na may suot na gula-gulanit na sapatos, kinaantigan

“I’m happy because we had a better defense. Last game, we relaxed after the first half but that wasn’t the case this time,” ani Oliver.

Pinangunahan naman ni Thannatorn Kamwised ang Thai sa itinala nitong siyam na puntos.

Sa unang laban, nagwagi naman ang Indonesia kontra Singapore, 75-67.

Inaasahang magkakaroon ng matinding katapat ang Gilas Pilipinas sa kanilang huling laban ngayong gabi sa SEABA Men’s Championship sa Araneta Coliseum.

Makakatunggali ng Pinoy ang wala pa ring talong Indonesia na inaasahang isasabak ang buong koponan kabilang ang naturalized player na pinahintulutan na rin ng FIBA na makalaro.

Hindi nakasama sa unang apat na panalo ng koponan, lalaro na rin para sa Indonesia sina naturalized player Jamarr Johnson at Indonesian-American Arki Wisnu na nakakuha na rin sa wakas ng clearance sa FIBA. (Marivic Awitan)