Kapwa hindi na humihinga ang mag-live-in partner, na umano’y dinukot ng 10 nagpakilalang pulis, nang matagpuan sa magkahiwalay na lugar sa Navotas City kamakalawa.

Kinilala ang mga biktima na sina Jenny Royo, 54, at Rogelio Gilbuena, 56, ng Market 3, Navotas Fish Port, Barangay North Bay Boulevard, Navotas City.

Ayon sa mga kaanak ng mga biktima, bandang 9:00 ng gabi, dinukot ng mga “pulis” sina Royo at Gilbuena at isinakay sa motorsiklo.

Sinabi umano ng mga suspek na dadalhin sa police station ang mga biktima para imbestigahan sa ilegal na droga.

National

Enrile, 'tinakot' OFWs na sasali sa protestang 'Zero Remittance Week'

Subalit makalipas ang isang oras, natagpuan ang bangkay ni Royo, may tama ng hindi pa batid na kalibre ng baril sa pisngi at likod, sa North Bay Boulevard South (NBBS).

Pagsapit ng 11:45 ng gabi, natagpuan naman ang bangkay ni Gilbuena, may tama ng bala ng baril sa ulo, sa loob ng Navotas City Public Cemetery.

Patuloy ang imbestigasyon sa insidente. (Orly L. Barcala)