BAGAY ang awitin ni Sharon Cuneta na, Mahal Kita, Mahal Mo Siya, Mahal Niya ay Iba sa mga batang artistang laman ng blind item naming ito.

Si Young Actor ay super in love kay Young Actress na ibang aktor naman ang gusto as in taken na. May girlfriend nang hindi taga-showbiz ang aktor.

Alam ni Young Actress na taken na ang gusto niyang aktor, pero hoping pa rin siya na baka magustuhan siya sa katagalan lalo’t magkatrabaho sila sa isang TV project.

Hoping din ang young actor na may gusto sa young actress na ‘yung ipinapakitang maganda sa kanya at ng pamilya nito ay mag-level-up pagdating ng araw.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Nagtanong kami sa taong nakakaalam sa kuwento kung bakit close sa isa’t isa ang batang aktor at batang aktres kaya inaakala tuloy ng lahat na ‘sila na’.

“Eh, work lang ‘yun, kailangan nila para bumenta ang love team nila,” say ng aming source.

Love team? Hindi naman magkatrabaho sina Young Actor at Young Actress, di ba? Ang katrabaho nga ni Young Actress ay ang aktor na gustung-gusto niya pero taken na.

“Magkaka-movie kasi sila, abangan mo,” katwiran taong malapit sa young actor.

Kung matuloy ang pelikula, eh, bagay namang OST sa young actress at aktor ang kanta ni Rey Valera na Walang Kapalit.

(Reggee Bonoan)