Bubuuin ng Department of Labor and Employment (DoLE) at gobyerno ng Russia ang mas matibay na pagtutulungan sa larangan ng paggawa at titiyakin ang proteksiyon sa mga manggagawang Pilipino.

Sa isang pulong, nagkasundo sina Labor Secretary Silvestre Bello III at Russian Ambassador Igor Anatolyevich Khovaev na bumuo ng matibay na basehang legal para sa pagtutulungan ng dalawang bansa na pakikinabangan ng mga migranteng Pinoy.

Sinabi ni Khovaev na nangangailangan ang Russia ng karagdagang puwersa sa paggawa at pinuri ang istilo ng pagtatrabaho at kasanayan ng mga Pilipino. (Mina Navarro)

Tsika at Intriga

Sarah Balabagan 'kinontra' si Arnold Clavio tungkol sa prayer rally; may inungkat