KARLA AT MGA ANAK copy

NANG dahil sa uncalled for na komento ni Sen. Tito Sotto tungkol sa kababaihang “naano lang” ay maraming single parent ang nagsilutang upang ipamukha sa senador na hindi sila dapat hamakin o maliitin. Katunayan, marami sa kanila ang nagtagumpay sa buhay at isa na rito si Karla Estrada na lalong gumagaling bilang isa sa hosts ng Magandang Buhay.

Mag-isa niyang binubuhay ang kanyang apat na anak na may iba’t ibang ama.

Human-Interest

Paano nga ba mag-goodbye ang ilang Gen Zs bago mag-New year?

Salaysay ni Karla, sa edad na 20 ay isinilang niya si Daniel Padilla. Ang relasyon niya kay Rommel Padilla ay tumagal lamang ng dalawang taon.

“Mahirap maging single mom or parent dahil ikaw ang tumatayong nanay at tatay. Nag-focus ako nang husto sa aking mga anak at sa kanilang kinabukasan. Napakalaking bagay na sinuportahan ako ng aking pamilya. Todo kayod ang ginawa ko at iniwaksi ko ang magmukmok. Nakaraos naman kami sa mga singing engagements ko. Malaking bagay ang tulong ng kanilang mga ama sa pagpapaaral ng mga bata.”

Walang pinagsisisihan si Karla. Nabigo man siya nang paulit-ulit sa pag-ibig, ang naging kapalit nito ay ang pagmamahal ng kanyang mga anak. (REMY UMEREZ)