TEAM' MEANT TO BE' copy copy

BIG success uli ang mall show ng cast ng Meant To Be sa Robinsons Angeles nitong nakaraang Linggo.

Ayon sa management ng mall, between 18,000-20,000 ang mga taong dumating para makita sina Barbie Forteza, Jak Roberto, Ivan Dorschner, Addy Raj at Ken Chan. Kasama rin nila sina Mika dela Cruz, Stephanie Sol at Tess Bomb.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

First time sumama sa mall show ang bagong pasok na cast sa MTB na sina Matthias Rhoads, Vince Vandorpe, Carl Cervanted at Dave Bornea o ang tinatawag na Gaya Boys.

Samantala, nagtatanong ang fans kung totoo ang tsikang sina Barbie at Jak na ang real love team sa MTB at hindi na sina Barbie at Ivan?

Ano raw ang nangyari, dahil ang akala nila ay sina Barbie at Ivan ang nagkakamabutihan. Sa katunayan, Team Real pa nga ang tawag sa kanila. Paano raw nakasingit si Jak?

Sina Barbie at Jak ang nababalitang nagdi-date at si Jak na rin ang dumadalaw kay Barbie sa rehearsal ng Sunday Pinasaya na dating ginagawa ni Ivan. Pati mother ni Barbie, parang pabor daw kay Jak na dati, si Ivan ang gusto sa anak.

Totoo ba ito? Gusto ng sagot ng fans kaya hahanapan namin ito ng kasagutan.

Anyway, marami pa ang mangyayari sa MTB hanggang sa pagtatapos nito sa June 23, kaya tuloy lang sa pagsubaybay. Baka nga bago pa matapos ang rom-com series, masagot na ang tanong ng fans kung sino talaga kina Jak at Ivan ang pinakamalapit sa puso ni Barbie. (NITZ MIRALLES)