ARJO copy

SINUPORTAHAN si Arjo Atayde ng kanyang tuwang-tuwang pamilya sa ginanap na 48th Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation Box Office Entertainment Awards sa pangunguna ng kanyang inang si Sylvia Sanchez at amang si Art Atayde.

Nakakatawa si Arjo, Bossing DMB na panay ang buska sa ina na katatanggap lang din ng Best Performance by an Actress (TV series) sa 15th Gawad Tanglaw para sa seryeng The Greatest Love. Binibilangan na pala ng tropeo ng aktor ang nanay niya.

“Loko ‘tong si Arjo, eh, sabi niya, ‘Ma, nakailang awards ka na nga in your 27 years? Less than 20 trophies? Ako, in 5 years, less than 10 trophies na.’

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

“Ganyan ako asarin ng anak ko, eh, mukhang magkakatotoo naman kasi isipin mo, limang taon pa lang siya sa showbiz, magsasampu na ang awards niya. Eh, ako, wala pang 20 awards in 27 years, kung baga, wala pang kalahati sa itinagal ko sa showbiz,” kuwento ni Sylvia.

Hindi namin nakausap si Arjo kaya hindi namin nakunan ng reaksiyon.

“Naku, masaya ‘yun, inaasar nga ako, nakikita ko, masaya siya kasi ito talaga ang gusto niyang mangyari, kaya niya pinagbubuti ang trabaho niya kasi gusto niyang may mapatunayan,” sabi ng proud mommy ni Arjo.

Samantala, ang aga-agang gumising ngayon ni Ibyang kahit tapos na ang taping niya ng The Greateast Love dahil kailangan niyang mag-gym ng 8 AM hanggang 12 NN.

“Nu’ng natapos na ang TGL, akala ko, makakapagpahinga na ako kasi hindi na ako gigising ng maaga para sa taping ko, eh, hindi pa pala, mas mahirap ang ginagawa ko ngayon kasi araw-araw akong naggi-gym, kailangan kong magpapayat, kailangan kong maging firm,” sey ng aktres.

Ang dahilan, ayaw niyang mapulaan kapag itinaas na ang billboard niya sa major highways.

“Eh, nakakahiya, baka masira ‘yung produkto sa akin kasi hindi believable ang itsura ko. Baka sabihin, ‘bakit ninyo kinuhang endorser si Sylvia, eh, ang taba-taba, dambuhala, siyempre, sino naman magtitiwala nu’n?

“Kausap ko nga ‘yung may-ari ng produkto, sabi ko, ang hirap palang maging endorser ng produktong ganito, kailangan well-maintained ang katawan mo, ang mukha mo, basta lahat kasi paano bebenta ang produkto.

“Saka first time kumuha ng endorser itong may-ari ng produkto kaya na-pressure ako bigla kasi, di ba, first time, baka pumalpak pa, nakakahiya, eh, dalawang taon ang kontrata ko. So in two years, kailangan sexy talaga ako, ang hirap gawin, ha?” tumatawang kuwento ng aktres.

Gusto ni Ibyang na maganda siyang tingnan sa launching ng nasabing produkto ngayong buwan, bilang post-birthday celebration din niya. (Reggee Bonoan)