UMAKYAT sa bantamweight division si dating WBC Continental Americas at WBO NABO flyweight champion Joebert Alvarez para talunin sa 6-round unanimous decision ang beteranong si Rodel Tejares kamakailan sa Waterfront Insular Hotel sa Davao City, Davao del Sur.

Ito ang unang laban ni Alvarez matapos makatikim ng pagkatalo via 1st round TKO noong Hulyo 15, 2016 sa Amerikanong si Miguel Cartagena sa Kissimme, Florida kaya nawala siya sa world rankings.

Sinanay si Alvarez sa United States ni Nonito Donaire Sr. at nagmarka kaagad nang talunin sa puntos sa unang laban sa Mexico si world rated Julian Rivera para matamo ang WBC regional title noong 2014 bago nakalasap ng unang pagkatalo sa puntos sa WBA at WBO flyweight champion noon na si Juan Francisco Estrada sa Mexico. Natamo ni Alvarez ang WBO NABO flyweight title nang patulugin sa 6th round si Puerto Rican Jonathan Gonzalez sa Guaynabo, Puero Rico pero na-upset ni Cartagena sa kanyang sumunod na laban.

May rekord si Alvarez na 16-2-1 win-loss-draw na may 7 panalo sa kncokouts at umaasang muling makapagkakampanya sa US para makabalik sa world rankings. (Gilbert Espeña)

Mentor era? John Amores, nagtuturo na ng 'shooting skills' sa aspiring players