ALDEN AT VICE_for nora item copy

MAAGA at maayos na naisagawa ang 48th Box Office Entertainment Awards night ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation sa Henry Lee Irwin Theateter ng Ateneo de Manila University last Sunday evening, produced by Airtime Marketing Phils. Inc. ni Tessie Celestino-Howard.

Sina Iza Calzado, Christian Bautista, Enchong Dee at Kim Chiu ang nagsilbing hosts.

Maaga silang dumating, kaya maagang nasimulan ang pagbibigay ng 60 awards sa iba’t ibang kategorya. Unang ginawaran ng awards ang child performers, para hindi sila antukin.

Human-Interest

‘Sana all!’ Lalaking ‘pinamper’ ng apat na nail trainers, kinaaliwan!

Maaga ring dumating ang Queen of Philippine Movies na si Ms. Susan Roces na kasama sa nanalong Most Popular TV program na FPJ’s Ang Probinsyano bukod sa pagiging TV Supporting Actress of the Year for the same show.

Wala ang winners ng Male & Female Concert Performers of the Year na sina Martin Nievera at Regine Velasquez kaya ang mga kasama nila sa concert nilang Royals na sina Erik Santos at Angeline Quinto ang tumanggap ng kanilang awards.

Si Ogie Alcasid ang ginawaran ng Bert Marcelo Award at na-excite ang kanyang anak na si Leila na first time naka-attend ng awards night at nanalo pa ang daddy niya.

Si Alden Richards ang escort ni Ms. Ai Ai delas Alas nang pumasok sa venue mula sa backstage. Si Ai Ai ang isa sa walong tumanggap ng Global Achievement by a Filipino awards sa larangan ng pelikula. Ilang Best Actress award na ang napanalunan ni Ai Ai para sa movie niyang Area. Si Lotlot de Leon naman ay Best Supporting Actress sa Houston, Texas for her movie 1st Sem. Si Iza Calzado for Bliss. No show ang ibang winners.

No show rin ang winner ng Most Popular Love Team na sina Enrique Gil at Liza Soberano. Wala rin si James Reid at si Nadine Lustre lang ang tumanggap ng kanilang award as Prince and Princess of Philippine Television.

Unang tinanggap ni Alden Richards ang Male Recording Artist of the Year for his Diamond Record award ng album niyang Wish I May. Wala rin ang kanyang ka-love team na si Maine Mendoza, na may prior commitment sa Duty Free event, kaya si Alden lang ang tumanggap ng trophy nila as Prince & Princess of Philippine Movies for their hit movie Imagine You & Me.

Ini-announce na ni Alden na may gagawin silang bagong movie ni Maine at inaasahan nila ang muling pagsuporta ng kanilang fans, kaya tilian at palakpakan ang AlDub fans sa audience.

Nagyakapan sina Ai Ai at Lipa City Congresswoman Vilma Santos-Recto nang mag-abot sila sa venue. Nanalong Film Actress of the Year si Ate Vi.

Wala si Dingdong Dantes dahil nasa Spain pa with Marian Rivera and their unica hija, Zia, na siya namang Film Actor of the Year.

Tinanggap ni Coco Martin ang Breakthrough Best Actor of the Year para sa single TV show niyang FPJ Ang Probinsyano.

Almost midnight na dumating si Vice Ganda at hindi na sila nag-abot ni Ai Ai. Nang lumabas naman si Alden mula sa backstage papunta sa front seat, tinawag siya ni Vice at nag-selfie siya kay Alden, doon naman nagdatingan ang photographers at humingi ng isa pang shot na magkasama sina Alden at Vice. Saka naman dumating sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, ang tinanghal na Box-Office King & Queen, samantalang sina Coco Martin at Vice Ganda ang tinanghal na Phenomenal Stars for 2016.

Para sa kumpletong coverage ng awards night, mapapanood ito sa Linggo, May 21, sa ABS-CBN, pagkatapos ng show ni Vice Ganda. (NORA CALDERON)