VATICAN (AFP) – Sinabi ni Pope Francis nitong Sabado na duda siya sa mga iniulat na araw-araw na pagpapakita ng Birhen sa Medjugorje sa Bosnia, na umaakit ng milyun-milyong pilgrim bawat taon.

Noong Hunyo 1981, sinabi ng anim na batang Bosnian na nasaksihan nila ang pagpapakita ng Birhen sa katimugang bayan, at diumano’y patuloy itong bumibisita hangang sa kasalukuyan.

Ang babaeng kanilang nakita “is not the mother of Jesus,” sabi ng Papa nitong Sabado habang sakay ng papal plane pabalik mula sa kanyang biyahe sa Portugal, kung saan idineklara niyang santo ang dalawang batang pastol na pinakitaan ng Birhen 100 taon na ang nakalipas.

Sinabi ng Papa na sa isinasagawang imbestigasyon, may mga pagdududa ang Simbahan kaugnay sa mga aparisyon sa Medjugorje.

Internasyonal

Misa ng Santo Papa dinumog, halos kalahati ng populasyon ng East Timor, dumalo

“These supposed apparitions don’t have much value -- I’m giving my personal opinion,” patuloy niya. “But it is obvious, who thinks the Virgin would say: ‘Come to this place tomorrow at this time and I’ll give a message to a seer’?”

Gayunman, tila mas naniniwala ang Papa sa orihinal na aparisyon noong 1981.

“On the original apparitions, the ones the children had, the inquiry says, more or less, that investigations need to continue,” aniya.

Ilang imbestigasyon na ang isinagawa, ang huli ay noong Enero 2014, ngunit wala pang ipinapahayag ang Papa simula noon. Gayunman, noong Nobyembre 2013, nagpahayag siya ng pagdududa. “The Virgin,” aniya, “is not a chief of the post office who would send messages every day.”