Dahil sa tindi ng init ng panahon, heat stroke ang tinitingnang anggulo sa pagkamatay ng isang lalaki na hinimatay habang nagpapakarga ng gasolina sa Quezon City, iniulat kahapon ng pulisya.

Kinilala ni PO3 Elario Wanawan, sa pamamagitan ng driver’s license, ang biktima na si Ernesto Umali na nakatira sa No. 925 Hinahon Street, Tondo, Maynila.

Base sa imbestigasyon, dakong 6:30 ng gabi kamakalawa, basta na lamang tumumba ang biktima habang nagpapakarga ng gasolina sa Bonifacio Avenue cor. Scout Alcaraz St., Barangay N.S. Amoranto, Quezon City.

Sa pahayag sa pulisya ni Ernelen Dupalen, gasoline boy, kinakargahan niya ang motorsiklo ng biktima nang bigla na lang itong tumumba.

National

Enrile, 'tinakot' OFWs na sasali sa protestang 'Zero Remittance Week'

Agad nagpasaklolo ang mga gasoline boy sa Manila Emergency Medical Center na bahagyang natagalan ang pagresponde at hindi na naisalba pa ang buhay ni Umali. (Jun Fabon)