I-report ang anumang uri ng kurapsiyon o nakawan at makatatanggap ka ng pabuya.

Ito ang ipinagdiinan ng Bureau of Customs (BoC) sa public advisory nito, sinabing pagkakalooban ng pabuya ang mga magsusumbong at magsisiwalat ng kurapsiyon at smuggling sa tanggapan.

Sa ilalim ng Section 1512 ng Customs Modernization and Tariff Act (CMTA), “a cash reward equivalent to 20% of the actual proceeds from the sale of smuggled goods or actual collection off additional revenues shall be given to the Customs and non-Customs informers or whistleblowers who are instrumental in the collection of additional revenues arising from the discovery of violations of this Act in accordance with the rules and regulations issued by the Secretary of Finance.”

Ayon sa BoC, kung ang kabuuang halaga ng ninakaw ay P10 milyon, P2 milyon ang makukuhang pabuya ng magsusumbong.

Eleksyon

TINGNAN: Listahan ng mga kandidato sa pagka-senador at party-list

Gayunman, iimbestigahan muna ng BoC kung totoo ang matatanggap nilang report bago ipagkaloob ang pabuya.

Siniguro rin ng kawanihan na ang impormasyong ipagkakaloob ng informant, pati na ang kanyang pagkakakilanlan, ay tatratuhin nang may “utmost confidentiality” upang hindi magkaroon ng problema sa mga taong nais makipagtulungan sa BoC. - Betheena Kae Unite