Jasmine copy

MATAPANG din si Jasmine Curtis Smith tulad ni Bb. Pilipinas-International Mariel de Leon dahil nag-comment din siya sa pagkaka-appoint kay Mocha Uson bilang assistant secretary of the Presidential Communications Operations Office at handang ipagtanggol sa bashers ang kanyang opinyon.

Nag-comment si Jasmine via Twitter ng, “THE PRESIDENTIAL COMMUNICATIONS OPERATIONS OFFICE? Teka Communications.....

But the track record...”

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: 10 bansang hindi nagdiriwang ng Pasko

May nag-comment na wala ‘yan sa track record. Aanhin daw ang disente at mataas ang pinag-aralan kung wala din namang ginagawa para sa bayan. Mga bitter lang daw si Jasmine at ang iba pang kumokontra sa appointment kay Mocha.

Sumagot si Jasmine ng, “Iba yata pagkaintindi mo with ‘track record’. ‘Yun nga ang track record n’ya, ikaw na mismo nagsabi kung ano ‘yun. :)”

May isa pang nag-comment ng, “In her blog she don’t deny what her past but she was grateful that His Lord and Saviour Jesus forgave her sins and set her free.” Ang sagot ni Jasmine, “That’s great for her personal well being, she now needs to prove her worth to be in that position.”

Ilan-ilan pa lang ang nam-bash kay Jasmine, maghintay-hintay pa tayo ng ilang araw at tiyak na madadagdagan ang bashers ng dalaga at mas iinit din ang sagutan ng nag-a-agree at kumokontra sa kanya. (NITZ MIRALLES)