Pagkakataon na ni dating Department of Transportation and Communications (DoTC) secretary Joseph Emilio Abaya na sagutin ang mga paratang at akusasyon laban sa kanya kaugnay sa mga transaksiyon sa Metro Rail Transit (MRT).

Sinabi ni Senator Grace Poe na kapag hindi dumating si Abaya sa pagdinig ng Senate Committee on Public Services ay sasayangin nito ang pagkakataong ibinigay sa kanya.

Giit niya, maraming katanungan na si Abaya lamang ang makasasagot lalo na sa mga maanomalyang kontrata na pinasok ng MRT sa nakaraang administrasyon. (Leonel M. Abasola)
Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador