CANDON CITY, Ilocos Sur – Tatlong bata ang nasawi at 13 iba pa ang nasugatan makaraang bumulusok sa vegetable garden terrace ang sinasakyan nilang Isuzu Ford Fiera truck sa Sitio Naduguan, Barangay Baculongan Sur, Buguias, Benguet nitong Biyernes ng tanghali.

Kinilala ni Chief Insp. Peter Daplian, hepe ng Buguias Police, ang mga nasawi sa mga pangalang Leo, siyam na taong gulang; kapatid nitong si Jay-ar, 10, kapwa taga-Bgy. Bolanao, Tabuk City, Kalinga; at isang Fred, 14, residente ng Pozorrubio, Pangasinan.

Sinabi ni Daplian na kabilang sa 13 nasugatan ang driver ng truck na si Menargon Wakit Quintos, 50, taga-Buguias, Benguet.

Ayon kay Daplian, sakay ang mga biktima sa ibabaw ng truck (ABF-A75) na kargado ng mga gulay, habang ang iba naman ay nakasabit sa likurang bahagi ng sasakyan nang mawalan umano ito ng preno.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Kasunod nito, nahulog ang truck sa 10-metro ang lalim na gulayan sa gilid ng kalsada.

Kaagad na naisugod sa ospital ang mga biktima, ngunit hindi na umabot nang buhay ang tatlong paslit.

(FREDDIE G. LAZARO)