ISULAN, Sultan Kudarat - Naging maagap ang tugon ng Explosives and Ordinance Division ng Sultan Kudarat Police Provincial Office, katuwang ang mga tauhan ng Isulan Police, sa pagresponde sa magkahiwalay na insidente ng pagkakaiwan ng inabandonang bagahe.

Mayo 10 nang respondehan ng awtoridad ang isang abandonadong bagahe sa harap ng isang bangko malapit sa national road sa Isulan, na kalaunan ay nakumpirmang mga gamit sa kusina lamang ang laman.

Tanghali kinabukasan nang maiwan din ang isang bagahe sa gilid ng highway patungong Tacurong City, at sa huli ay nabatid na mga damit ng babae lamang ang laman ng bag. (Leo P. Diaz)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog