Isa-isang dinampot ng Makati City Police ang 14 na katao sa One Time Big Time operation sa lungsod, nitong Biyernes ng gabi hanggang kahapon ng madaling araw.

Kasalukuyang sumasailalim sa imbestigasyon ang 12 lalaki na nahuling umiinom ng alak sa pampublikong lugar, isang nahulihan ng hinihinalang droga at isang nakumpiskahan ng hindi lisensiyadong baril.

Sa inisyal na ulat na ipinarating sa Southern Police District (SPD), dakong 10:30 ng gabi sinimulan ang operasyon sa iba’t ibang lugar sa Barangay Rizal at Southside, Makati City at natapos bandang 1:30 ng madaling araw kahapon.

Idiniretso ang mga inaresto sa tanggapan ng Criminal Investigation Division ng pulisya.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Apat na motorsiklo naman ang kinumpiska ng awtoridad dahil sa kawalan ng kaukulang papeles. (Bella Gamotea)