MAS maraming produkto at brand na paborito ng mamimili ang mabibili sa shopping online sa pakikipagtambalan ng Shopee sa malalaki at sikat na produkto sa merkado.

“Shopee started as a platform where users could buy from and sell to other users. As we grew, more established brands started joining Shopee as they saw an opportunity to easily expand their online business to a wider audience while receiving constant support from the Shopee team on managing and growing their online shops,” pahayag ni Macy Castillo, Shopee’s Head of Commercial Business.

Simula nitong Abril, makabibili ang mga mamimiling Pinoy sa magaan na pamamaraan para sa hinahanap na produkto sa mobiles, gadgets, electronics, health and beauty, fashion, at accessories mula sa mapagkakatiwalaang brand na PC Express, Red Fox, Cherry Mobile, Promate, Playground, Belo Baby, at Unisilver Jewelry.

Mentor era? John Amores, nagtuturo na ng 'shooting skills' sa aspiring players

Sa isang klik lang sa inyong mobile phones gamit ang Shopee app, magaan itong magagawa.

Ikinalugod ng Unisilver Jewelry ang pakikipagtambalan sa Shopee.

“It is the most innovative and hassle-free mobile shopping app out there and we wanted to be part of it!” anila.

“We joined because Shopee is trustworthy, very easy to use, and takes care of its sellers and buyers,” paliwanag ng Playground mobile accessories team.

Sa opisyal na mensahe ng PC Express, iginiit ng kumpanya na “Shopee enables us to better serve our customers by providing them an easy, fun, and safe way to purchase our products online.”

Inilunsad nitong 2015, mabils na umarangkada ang Shopee sa online shopping, hawak ang mahigit dalawang milyon na nag-upload ng app. Bukod sa mabilis na transaksiyon at delivery saan mang sulok sa bansa, mabibili ang mga prudukto na tunay na hinahanap ng mga consumer.

“We’ve been able to meet our partner brands’ objectives of growing their online retail presence because of our easy-to-use integrated services like Cash on Delivery payments and Free Shipping nationwide, as well as our wide consumer reach, both in terms of the amount of Shopee users and the geography we’ve spread to across the country,” pahayag ni Castillo.

Libreng makakapag-download ng Shopee sa Google Play at App Store. Bisitahin ang www.shopee.ph para sa karagdagang impormasyon.