KABILANG na ang Pilipinas sa Association of Sports Institute in Asia (ASIA) kasama ang Malaysia, Bangladesh, Nepal at Chinese Taipei.

Binuo ang ASIA noong 2015 sa pagtutulungan ng Qatar’s ASPIRE Academy, Hong Kong Sports Institute at Singapore Sports Institute sa layuning palakasin ang programa at pagsasanay ng mga atleta sa rehiyon.

Pormal na tinanggap nina Philippine Olympic Committee (POC) President Jose Cojuangco Jr., Vice President Joey Romasanta and Secretary General Steve Hontiveros ang sertipiko sa ginanap na ASIA Annual Congress kamakailan sa Hong Kong.

Nakapaloob sa ASIA ang pagpapataas ng level ng pagiging kompetitibo ng atleta, pagpapalitan ng kaalaman at programa gayundin ang pagkakaisa para sa iisang layunin na maitaas ang aspeto ng sports sa rehiyon.

Kendra Kramer, balik-paglalangoy; may mensahe sa mga atleta

Ayon sa POC , ang programa ng ASIA ang makatutulong sa isinasagawang programa ng iba;t ibang national sports association (NSA) gayundin ng Philippine Sports Institute (PSI).

Bilang panimula, nakatakdang ipadala ng POC sa programa ang Philippine judo at karate-do team sa susunod na buwan.

(PNA)