WASHINGTON (AP) — Salit-salitan sa pagkabig ng panalo ang Boston Celtics at Washington Wizards, at sa pagkakataon ito, dalangin ng Celtics fans na makamig ang minimithing serye.

Mula sa pamosong ‘Funeral Game’ hanggang sa pagkabungi ng kanyang ngipin, determinado si Celtics point guard Isiah Thomas na tapusin ang serye ngayon sa pagpalo ng Game 6 ng kanilang duwelo sa Eastern Conference semifinal.

Ngunit, sakaling mabigo, tangan pa rin ng Celtics ang bentahe sa homecourt sa pagsikad ng Game 7 sa Garden.

Mismong ang mga player na sangkot ay walang maisagot sa katanungan hingil sa trending na kaganapan sa kabuuan ng serye.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

“I wish I knew,” pahayag ni Bradley Beal.

Maging si Wizards coach Scott Brooks nitong Huwebes ang nagsabi na komplikado ang bawat pagkilos dahil sa paghahangad ng mga koponan sa championship.

“That’s been analyzed and studied since the game was invented. (With) the home court, you always have a comfort level,” sambit ni Brooks.

“If you miss a shot, you miss a shot. “You’ve got to get back and not compound that miss with a defensive lapse.

“We did not lose the series,” pahayag ni Brooks. “We lost the game.”