Isang bangkay ng hindi pa nakikilalang babae na umano’y biktima ng summary execution ang natagpuan sa gilid ng palaisdaan sa Navotas City, kahapon ng madaling araw.

Inilarawan ang biktima na nasa edad 30-40, may taas na 5’4”, nakasuot ng pajama at pulang t-shirt, katamtaman ang pangangatawan, at may tama ng bala ng hindi pa mabatid na kalibre ng baril sa kanang sentido.

Base sa report, dakong 1:00 ng madaling araw, nadiskubre ng mga barangay tanod ang bangkay sa gilid ng palaisdaan sa Barangay Tanza, Navotas City.

Kasalukuyang nagsasagawa ng follow-up investigation ang Navotas Police upang matukoy ang pagkakakilanlan ng biktima.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

(Orly L. Barcala)