Walang Pilipino na nadamay sa pagsabog sa Pattani, Thailand nitong Martes na ikinasugat ng 50 katao, sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) kahapon. Ito ay batay sa impormasyong ipinaabot ng Embahada ng Pilipinas sa Bangkok.

Puspusan ang pakikipagkoordinasyon ng Embahada sa mga awtoridad ng Thailand upang tiyakin ang kaligtasan ng mga Pilipino roon. Nakikipag-ugnayan din ang Embahada sa mga miyembro ng Filipino community sa Pattani at Narathiwat. (Bella Gamotea)

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter