Napasakamay ng Las Piñas City Police ang sinasabing leader ng “Martilyo Gang” at “Utap Robbery Group” na sangkot sa serye ng panloloob sa jewelry shops at mga mall sa Metro Manila, nitong Martes ng gabi.

Kasalukuyang naghihimas ng rehas si Sulayman Dimapuro, kilala rin bilang Muslimen Utap at may alyas na Jomar, nasa hustong gulang, ng Barangay CAA, Las Piñas City.

Base sa ulat, nakatanggap ng sumbong ang pulisya mula sa mga residente hinggil sa isang lalaking may bitbit na baril at pakalat-kalat sa panulukan ng Saging at Strawberry Streets, Bgy. CAA.

Napag-alaman na target ng suspek ang isa umanong tulak na kinilala sa alyas na Bobby, matapos hindi makapag-intrega ng napagbentahan ng ilegal na droga.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Agad rumesponde ang mga pulis sa lugar at hindi na nakapalag si Dimapuro, kasabay ng pagkumpiska sa kanyang cal .45 baril at nakuhanan pa ng isang pakete ng hinihinalang shabu. (Bella Gamotea)