BUKOD sa matikas na performance ng Philippine Women’s Football Team sa international scene at matagumpay na pagbubukas ng Philippines Football League season, nadagdagan pa ang dahilan para magdiwang ang mga stakeholders ng naturang sport.

Ito ‘y matapos na maluklok si Philippine Football Federation president Mariano “Nonong” Araneta bilang miyembro ng Fédération Internationale de Football Associations (FIFA) Council.

Isa si Araneta sa nahalal sa pamamagitan ng acclamation sa supervising body ng international federation.

Kasama ni Araneta na inihalal ng Asian Football Confederation sa kanilang Congress na kasalukuyang idinaraos sa Bahrain sina Zhang Jian mula sa People’s Republic of China at Chung Mong Gyu buhat sa Republic of Korea.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

(Marivic Awitan)