angelina copy copy

BUMILI si Angelina Jolie ng mansion sa Los Angeles upang mapalapit sa estranged husband niyang si Brad Pitt.

Nagpaluwal ang 41-anyos ng $25 million sa Los Feliz property, na dalawang milya lamang ang layo mula sa bahay ni Brad, ayon sa Daily Mirror.

Binili ni Angelina, kasalukuyang naninirahan sa Malibu kasama ang anim na anak nilag mag-asawa, ang mansion na mayroong anim na kuwarto, gym, at isang outdoor pool.

BALITAnaw

ALAMIN: Mga dapat mong malaman tungkol kay Jose Rizal

Sabi ng source sa pahayagan, “Angie is interested in moving closer so it will be easier for the kids to see Brad. She lives in Malibu, a long commute for the kids.”

Naghain ng diborsiyo ang bituin ng Maleficent laban sa 53-year-old actor noong Setyembre 2016. (Cover Media)