Isang lalaki ang nasugatan makaraang barilin ng mga pulis, habang naaresto naman ang dalawang kasamahan niya, sa pagsalakay ng awtoridad sa isang pinaniniwalaang mobile drug den sa Cagayan de Oro City, Misamis Oriental kahapon.

Ginagamot ngayon sa ospital Clyde Capinpuyan, ng Barangay Bugo, Cagayan de Oro City, habang kinilala naman ni Senior Insp. Ritchelle Torayno, ng Agora Police, ang dalawang naaresto na sina Ramil Elago, ng Bgy. Macasandig; at Lito Andam, ng Manolo Fortich, Bukidnon.

Nakumpiskahan ng dalawang malalaking sachet ng hinihinalang shabu, drug paraphernalia, .45 caliber pistol, at ng van na sinasabing mobile drug den, mariing itinanggi ng mga suspek na nagtutulak sila at sinabing gumagamit lang ng droga.

Rumesponde ang Cagayan de Oro City Police Office sa sumbong tungkol sa umano’y mobile drug den sa Corrales Avenue.

Probinsya

74-anyos na lolang hinabol ang alagang pusa, patay matapos mabangga

(Fer Taboy)