Maaaring ideklarang persona non grata sa Pilipinas si United Nations Special Rapporteur Agnes Callamard dahil sa pagpapakalat ng kasinungalingan tungkol sa kampanya ni Pangulong Duterte kontra droga.

Ito ang sinabi kahapon ni Atty. Salvador Panelo, chief presidential legal counsel, sinabing nagpakalat ng mga “baseless” na akusasyon si Callamard laban sa pamahalaan nang hindi nagsasagawa ng aktuwal na imbestigasyon.

“Alam mo ‘yang si Callamard, she’s full of canards. Wala siyang basehan sa lahat ng mga akusasyon niya,” sinabi ni Panelo sa isang panayam ng radyo.

“So, hindi kataka-taka kung madeklara nga siyang persona non grata sa Pilipinas. Naghahasik lang siya ng lagim, ng kasinungalingan laban kay Presidente Duterte,” ani Panelo.

National

Kahit anti sa kaniya: Jimmy Bondoc sa vloggers: 'I stand with you!'

Dagdag pa niya, nawalan na ng kredibilidad si Callamard matapos na dumistansiya ang UN sa mga naging pahayag nito tungkol sa drug war.

“The fact alone UN made a statement na hindi naman totoo iyong sinasabi niya eh I think that’s sufficient enough to demolish or destroy her credibility,” sabi ni Panelo. (Genalyn D. Kabiling)