Pinagtibay ng Sandiganbayan ang pagbasura nito sa motion for reconsideration ni dating Senator Ramon “Bong” Revilla, Jr. kaugnay ng pagkakasangkot nito sa pork barrel fund scam.
Idinahilan ng anti-graft court na walang sapat na merito ang mga argumento ni Revilla sa kanyang mosyon.
Iginiit ni Revilla sa kanyang mosyon na hindi siya pinaliwanagan ng korte sa uri at pinag-ugatan ng mga alegasyong kinahaharap niya.
Sinabi rin ni Revilla na ang mga impormasyon sa kanyang kaso ay hindi naglalahad ng pandarambong. (ROMMELP. TABBAD)