SAN FRANCISCO, California -- Masisilayan ang kahusayan ni Pinoy cage sensation Kobe Paras sa California State University Northridge.

Sa kanyang post sa official Twitter account, sinabi ng 19-anyos na anak ni dating PBA superstar Benjie Para sang paglipat niya sa Matadors mula sa dating koponan na Creighton Bluejays. Ang Matadors ay sumasabak sa Big West Conference.

“I am happy to say that I have verbally committed to play at Cal State University Northridge. Can't wait to be back on the court playing!” pahayag ni Paras.

Mula sa UCLA, sumapi si Paras sa Creighton, ngunit hindi masyadong nabigyan ng playing time si Paras. Naitala ng koponan ang 25-10 karta sa Big East.

Mentor era? John Amores, nagtuturo na ng 'shooting skills' sa aspiring players

Nagtapos ang Matadors sa ikaanim ngayong season sa Big West tangan ang 11-19 marka.

Kasama sa Big West ang University of California Irvine, University of California Davis, University of California Riverside, University of California Santa Barbara, Caifornia State Fullerton, Long Beach State, University of Hawai'i at Manoa, at California Polytechnic State University.