chess copy

CEBU CITY — Tinanghal na unang gold medalist si Mecel Angela Gadut ng Candon City nang madomina ang U8 girls division ng National Age Group Chess Championships kahapon sa Robinson’s Galleria dito.

Miyembro ng Asian Youth team at ASEAN Age Group chess championships silver medalist, winalis ni Gadut, produkto ng sports program ni Ilocos Sur Gov. Ryan Luis Singson at Candon City Mayor Ericson Singson, ang mga karibal tungo sa impresibong siyam na puntos.

Pumangalawa sa kanya si JirahFloravieCutiyog ng Gen.Trias, Cavite.

Trending

Babaeng gusto na magkaanak, nakipag-s*x sa iba dahil laging busy ang partner niya

Kasama ring umakyat sa podium para sa pinakabatang kategorya ng torneo na itinataguyod ng Province of Cebu at Marty Pimentel at suportado ng Philippine Sports Commission (PSC), si Kaye Lalaine Regidor ng Sta. Rosa, Laguna na may anim na puntos.

Nangunguna naman sina Los Banos, Laguna bet Manuel Concio, Jr., consistent ASEAN age group gold medalist, at Cedric KahlelAbris ng Mandaluyong City sa kani-kanilang division may apat na round ang nalalabi.

Abante ng tatlong puntos si Concio sa U12 boys class kontra sa matikas ding si Mark Jay Bacojo, habang nakabuntot sina KarlycrisClarito Jr. at Dwayne Pahaganas sa U10 boys.

Matatag din sa kanilang kampanya sa U8 boys sina Al-Basher Buto ng Cainta, Rizal at Ruslan Pamplona ng Passi, Iloilo.

Nangunguna naman si John Marvin Miciano ng Davao sa U20 boys, Dale Bernardo of Angeles City sa U18, Gal Brien Palasigue ng Makati sa U16 at Daniel Quizon sa U14.

Pambato naman sa girls division sina Mira Mirano ng Aklan (U20), WFM AllanneyJiaDoroy (U18), Kylen Joy Mordido ng Dasmarinas, Cavite, Francois Marie Magpily ng Makati (U16), Irish Yngayo ng Davao (U14), Queen Rose Pamplona ng Passi,Iloilo at Jerlyn San Diego ng Dasmarinas, Cavite (U12) at AntonellaRacasa ng Marikina City (U10).