Nalagutan ng hininga ang isang ginang nang tamaan ng ligaw na bala mula sa mga baril ng apat na hindi pa nakikilalang suspek sa Caloocan City, nitong Sabado ng gabi.

Dead on the spot si Elizabeth Buenaventura, 59, ng Barangay 36, Marulas Avenue ng nasabing lungsod, sanhi ng mga tama ng bala ng hindi pa mabatid na kalibre ng baril sa katawan.

Ayon sa mga residente, bandang 8:00 ng gabi, sa kanto ng Marulas Avenue ay bumaba mula sa dalawang motorsiklo ang apat na lalaking nakasuot ng bonnet at hinabol ang isang alyas “Moymoy” na kilala umanong tulak ng ilegal na droga sa lugar.

Tumakbo umano si Moymoy sa isang eskinita sa C. Name Street, Bgy. 36, at sinundan ng mga suspek ngunit hindi nila naabutan dahilan upang magpakawala sila ng bala at si Buenaventura, na nakatayo sa eskinita noong oras na iyon, ang tinamaan. (Orly L. Barcala)

National

'Unfinished business' ni Roque sa House of Representatives, pinuna ng ilang mambabatas