Red Concepcion, Joreen Bautista at Gerald Santos copy

DAHIL sa paghihigpit ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) sa mga direct hired OFW sa pag-iisyu ng Overseas Employment Certificate (OEA), nanganib ang grupo nina Gerald Santos (gaganap bilang Thuy), Joreen Bautista (alternate Kim),Chester Lopez (ensemble) at Red Concepcion(Engineer) na hindi umabot sa scheduled company rehearsals sa May 15.

Sina Gerald, Joreen, Chester at Red ay kabilang sa bagong recruit na cast ng Miss Saigon na magsisimula sa Leicester Curve sa July 3 bago ang UK tour at direct hired sila ng kompanya ng producer na si Cameron McKintosh. 

Ang apat na Pinoy stars ay naabutan ng suspensiyon ng processing at issuance ng OEC nitong nakaraang April 25 sa pamamagitan ng Administrative Order No. 156 issued by Labor and Employment Secretary Silvestre Bello, III dahil diumano sa anomalya at illegal extortion activities sa loob mismo ng ahensiya. 

Balitang Pag-Ibig

National Boyfriend Day? Ilang viral wedding proposals na inulan ng Sana-all!

Pero naiapela ang kaso nina Gerald, Joreen, Chester at Red sa POEA sa tulong ng Philippine Labor Attache to London na si Reydeluz Conferido. 

Kaya nitong nakaraang Huwebes ng hapon, natanggap na ng apat ang kanilang OEA sa ahensiya. 

Nauna nang lumipad patungong UK si Joreen kasama ang kanyang mga magulang. 

Kinaumagahan, Biyernes, nakaalis na rin si Red at nang sumunod na araw naman, Sabado, lumipad si Gerald. Nasa London na ito ngayon. Nakaiskedyul naman ang biyahe ni Chester sa May 11.

Kung hindi naayos ang OEC ng apat, willing naman daw maghintay ang grupo ni Cameron at handa na rin silang i-rebook ang plane ticket ng apat at mag-a-adjust ng ilang araw para sa unang araw ng company rehearsals. 

Ang grupo nina Gerald, Joreen, Chester at Red ang latest addition na Pinoy talents na nagmumula sa Pilipinas. 

Kasalukuyang gumaganap si Rachelle Ann Go bilang Gigi sa Miss Saigon sa Broadway. Kasama ni Rachelle Ann sa Boadway ang ilang Fil-Am stars tulad nina Eva Noblezada (Kim), Jon Jon Briones (Engineer), Devin Ilaw (Thuy) at maraming iba pa. 

Ang Miss Saigon ang nagbigay pagkakataon kayLea Salonga (original Kim both in West End in London at Broadway sa New York) para makilala sa buong mundo. 

Ito rin ang nagbigay karangalan kay Lea bilang kauna-unahang Asian actress at first Pinoy star na tumanggap ng Best Actress in a Musical sa Laurence Olivier Award sa London at Tony Award sa New York. (LITO MAÑAGO)