Makikialam na ang Amerika sa usapin ng paglabag sa mga karapatang-pantao sa Pilipinas sakaling maipasa sa US Congress ang inihaing panukala tungkol dito.

Ayon kay Senator Leila de Lima, malaki ang magiging papel ng Amerika dahil kapag naipasa ang nasabing panukala, maghigigpit na rin ito sa mga gamit pandigma sa bansa bukod sa tututukan ang mga paglabag sa karapatang-pantao.

“I support the bipartisan efforts in the US Senate to introduce such important piece of legislation to hold our law enforcement authorities accountable to the thousands of human rights violations committed under the all-out war on drugs,” ani De Lima.

Aniya, bawat araw ay nabubuhay sa pangamba ang taumbayan dahil walang nakaaalam kung sino ang susunod na mabibiktima ng aniya’y extrajudicial killings (EJK).

National

Ikinakasang rally ng INC kontra impeachment kay VP Sara, pinaghahandaan na ng MMDA

Isinulong nina US Senators Ben Cardin at Marco Rubio ang “The Philippines Human Rights Accountability and Counter Narcotic Acts of 2017” upang tutukan ang pagpapadala ng Amerika ng tulong-militar sa Pilipinas. (Leonel M. Abasola)