Pinagdadampot ang tatlong katao, kabilang ang isang high-value drug target, sa buy-bust operation sa Makati City, nitong Sabado ng gabi.

Kinilala ni Senior Supt. Dionisio Bartolome, hepe ng Makati police, ang mga suspek na sina Joy Espayos, 34, dating empleyado ng Makati City Hall at high-value drug target, ng No. 53 Acacia Street, Barangay Cembo; Dyan Martin, 42, at Rodel Maridoy, 29, ng No. 444-A Banaba St., Bgy. Cembo.

Base sa ulat, dakong 11:00 ng gabi ikinasa ng Station Drug Enforcement Unit ang operasyon laban sa mga suspek sa Acacia St., Bgy. Cembo.

Narekober sa mga suspek ang siyam na pakete ng hinihinalang shabu, P500 marked money, limang cell phone, P300 cash at isang pekeng P1,000 bill.

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

Nakatakdang sampahan ang tatlo ng kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng Article II, Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) sa Makati Prosecutor’s Office. (Bella Gamotea)