Ai Ai copy

TAYMING ang pagkakapanalo ni Ai Ai de las Alas ng Best Actress sa ASEAN International Film Festival and Awards (AIFFA) para sa indie movie niyang Area sa Kuching City, Malaysia nitong nakaraang weekend sa nalalapit na showing ng pelikulang Our Mighty Yaya sa Miyerkules.

Ang direktor ng Area na si Louie Ignacio ang nanalong Best Director sa AIFFA.

Tinalo ni Ms. A ang mga nakatunggaling aktres mula sa Vietnam, Laos at Indonesia.

Trending

Co-founder ng Lola Nena’s nagsalita sa isyu ng ‘working lunch’ video

Sayang nga at hindi nakadalo si Ai Ai sa nasabing awards night kaya hindi niya personal na natanggap ang tropeo.

Pero nag-post naman siya sa kanyang IG ng, “No words can express my happiness and being so grateful for this prestigious award.”

Ikalawang international award na ito ni Ai Ai na nanalo rin para sa kaparehong pelikula sa New York’s Queens World Film Festival noong Marso.

Ang kuwento ng Area ay tungkol sa mga prostitute na nalipasan na ng panahon at gustong baguhin ang takbo ng buhay.

Nami-miss na ng kanyang fans si Ai Ai na nagpapatawa sa pelikula kaya inaabangan ang Our Mighty Yaya na Mother’s Day presentation ng Regal Entertainment mula sa direksiyon ni Jose Javier Reyes.

May premiere night ang Our Mighty Yayangayong gabi sa SM Megamall Cinema 1. (Reggee Bonoan)