Kinumpirma ng pamunuan ng Philippine Coast Guard (PCG) na matagumpay na nailigtas ang 26 na sakay sa cargo vessel na lumubog habang nakaangkla sa seaport ng Talisay City, Cebu, kahapon ng umaga.

Sa ulat mula kay Coast Guard Commandant Joey Garcia, kargado ng steel pellets, bandang 6:30 ng umaga kahapon nang lumubog ang M/V Fortuner cargo vessel.

Napag-alaman sa imbestigasyon na napansin na lang na unti-unting lumulubog ang barko dahil sa pagpasok ng tubig sa nadiskubreng crack sa hull nito.

Sinikap ng mga tripulante na ayusin ang bitak sa barko, pero hindi na umano naagapan ang pagpasok ng tubig sa compartment nito.

Eleksyon

Sen. Imee, okay lang kahit di binanggit ni PBBM sa campaign rally; tutok kay FPRRD

Kaagad na ring nakapagpadala ng mga barko ang PCG upang pigilin ang oil spill sa lugar.

Nagsasagawa na rin ng imbestigasyon kung paanong nagkabitak ang nasabing cargo vessel. (Beth Camia)