Kapwa tumimbuwang ang magpinsan na umano’y tulak ng ilegal na droga nang manlaban sa buy-bust operation sa Caloocan City, nitong Biyernes ng tanghali.

Kinilala ni Police Sr. Supt. Chito Bersaluna, hepe ng Caloocan Police, ang mga suspek na sina Joel Calumbas, 35, at Jerwin Plero, 32, kapwa ng Maligaya Street, Barangay 176, Bagong Silang ng nasabing lungsod.

Kapwa sila nagtamo ng mga tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Ayon kay Col. Bersaluna, bandang 11:00 ng tanghali, ikinasa ng mga tauhan ng Station Drug Enforcement Team (SDET) ang buy-bust operation sa lugar ng mga suspek.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Isa sa mga tauhan ng SDET ang tumayong poseur-buyer ngunit nakahalata umano ang magpinsan na pulis ang kanilang kaharap kaya tumakbo ang dalawa habang binabaril ang mga humahabol na pulis.

Hindi na nagpatumpik-tumpik ang awtoridad at pinagbabaril ang mga suspek na naging sanhi ng kanilang pagkamatay.

Narekober sa pinangyarihan ang dalawang cal. 38 at ilang gramo ng hinihinalang shabu. (Orly L. Barcala)