Sunud-sunod inaresto ang 27 katao, na nahaharap sa iba’t ibang kaso, sa sabayang One Time, Big Time (OTBT) operation at Anti-Criminality Campaign sa Rizal, iniulat kahapon.

Sa ulat ng Rizal Police Provincial Office (RPPO), sabay ikinasa ang operasyon sa iba’t ibang bayan sa Rizal nitong Biyernes.

Sa Rodriguez, kabilang sa inaresto sina Roy Santos, 47, ng Barangay Burgos, wanted sa kasong carnapping; Gerardo Aniban, 56, ng Bgy. San Isidro Rodriguez, wanted sa kasong paglabag sa Republic Act 9262; Elizabeth Rivera, 37, ng Bgy. San Isidro, nahaharap sa kasong Estafa (2 counts), at apat na bilang ng paglabag BP 22; at Julius Sadama, 21, ng Bgy. San Jose, nahaharap sa kasong theft.

Sa Teresa, arestado naman sina Vergel Angeles, alyas “Awit”, No. 5 sa Top Ten Priority Target ng Teresa Police, nakumpiskahan ng 14 na pirasong pakete ng umano’y shabu at improvised plastic pipe; Chobert Arijola, 32, na may kasong slight physical injuries at malicious mischief; Karem Francisco, 34, ng Bgy. San Roque, na may kasong attempted homicide; at Gilbert Calderon, 28, nahaharap sa kasong attempted murder.

National

VP Sara, ibinahaging bibisita iba pa nilang pamilya sa Netherlands para sa kaarawan ni FPRRD

Sa bayan naman ng Tanay, kalaboso sina Sarah Yap, 28, ng Bgy. Plaza Aldea; Brian Salvatera, 24, ng 17th St., Port Area, Maynila, na nakumpiskahan ng walong pakete ng umano’y shabu at P500 buy-bust money; Angelo Beato, 43, alyas “Gelo”, ng Bgy. Wawa, wanted sa pagtutulak ng shabu, at nakuhanan ng walong pakete ng umano’y shabu at P300 buy-bust money.

Sa Angono, tiklo sina Ruel Javier, 42, ng Bgy. Bagumbayan; Jose Valdez, 63, na nahaharap sa “qualified statutory object rape”, at itinuturing na No. 6 most wanted person sa Bgy. Mahabang Parang; Gean Manuel, 22, nahaharap sa drug charges at No. 7 most wanted; Victoria Liwag, 65, wanted sa kasong estafa; at Angelino Sarsosa, 39, may kasong homicide.

Arestado rin sa Angono sina Joel Villamarin, 49; Rodel Napi, 38; Jessica May Santos, 29; at Rolan Mañozo, 37.

Sa Binangonan, arestado ang wanted person na si Gerardo Paralejas, 30; nadakip naman sa buy-bust sina Ervin Oregas, 30; at Joselito Collantes, 33, sa Bgy. Darangan.

Kalaboso rin sina Resty Siat (No. 1), 25; Mark Lenin Pasco (No. 9), 28; at Chris Gabriel (No. 11), 30, may kasong robbery.

Sa Antipolo, kalaboso sina Adventure Peralta, (high value target), 28. (Mary Ann Santiago)