Maliwanag na kinabukasan ang naghihintay para sa persons with disabilities (PWDs) sa idaraos na job fair, na pangangasiwaan ng Valenzuela Public Employment Service Office (PESO), sa Hunyo 16, kinumpirma ng Valenzuela local official.

Ayon kay Rhay R. Sousa, Valenzuela PESO head, nakatakdang idaos ang job fair sa Valenzuela City Astrodome sa G. Lazaro Street, sa Barangay Dalandanan.

Aniya, nais nilang pagkalooban ng pantay na oportunidad ang PWDs. Idinagdag niya na hindi tatanggapin ang mga taong walang kapansanan.

“We are expecting about 100 campanies to join the job fair on June 16. Most of the companies invited are hiring PWDs,” pahayag ni Sousa sa Balita. (Jel Santos)

Eleksyon

49 na senatorial aspirants, naghain ng COC ngayong Oct. 7