Isang lalaki, na dalawang beses umanong nabigo sa pag-ibig, ang hinihinalang nagbigti sa Pandacan, Maynila, kahapon ng umaga.

Tinatayang dalawang araw nang patay bago nadiskubre ang bangkay ni Jovencio Pagaduan, Jr., 33, helper, ng 2071 C. Kahilum Street, Pandacan, Maynila.

Sa ulat ni SPO2 Jonathan Bautista, imbestigador ng Manila Police District (MPD)- Crimes Against Persons Investigation Section (CAPIS), bandang 8:30 ng umaga nang makaamoy ng masangsang si Ann Alvior, roommate ni Pagaduan, at hinanap niya ang pinagmulan hanggang sa makarating sa kuwarto ng biktima at tuluyang nadiskubre ang nakabigting bangkay.

Ayon kay Bautista, posibleng hindi nakayanan ni Pagaduan ang dalawang beses na pagkabigo sa pag-ibig.

National

Dahil sa bagyong Gener: 19 lugar sa Luzon, Signal No. 1 pa rin

(Mary Ann Santiago)