NAKOPO ng Balipure ang ikatlong sunod na panalo nang pabagsakin ang defending champion Pocari Sweat, 25-23, 25-22, 25-14, nitong Huwebes sa Premier Volleyball League Reinforced Conference sa The Arena sa San Juan.

Nanguna si Grethcel Soltones sa naiskor na 20 puntos para hilahin ang winning streak ng Water Defenders sa 3-0.

“Siguro mas maganda lang ang laro namin. Every game naman, hindi ko ine-expect. Hindi ko rin ine-expect na manalo,” sambit ni BaliPure coach Roger Gorayeb.

Nakamit naman ng Creamline ang unang panalo sa tatlong laro nang sakupin ang Philippine Air Force, 25-23, 25-16, 25-22.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Pinangunahan ni Alyssa Valdez ang Cool Smashers sa impresibong 21 puntos, tampok ang 18 atake at tatlong ace.

Nag-ambag si Ivy Remulla ng 10 puntos sa Creamline.

“Siguro mas maganda ‘yung service receive namin ngayon. Siyempre may halong, ‘di maiiwasan, may swerte din kahit papaano,” pahayag ni Creamline assistant coach Sherwin Meneses.

Kumana si Jocemer Tapic ng 11 puntos para sa PAF (1-2). (Marivic Awitan)